Delicious LinkedIn Facebook Twitter RSS Feed

Ala-Siete y Media

Kung mapapansin niyo, di ako mag-iingles ngayon; Feel ko lang kasi talaga mag-Filipino. Parang ayaw ko muna mag-isip ng kung papaano ko isasummarize ang pinakaimportanteng mga kaganapan sa buhay ko gamit ang wikang Ingles. Ano naman ang kwento ng blog title ko? Ayun, "7:30 o Ala-Siete y Media" -- pinakasignificant na oras ngayong araw na'to -- day and night time!

7:30 AM. Late ako ng 30 minutes sa 7AM class ko kanina, sayang tuloy yung additional 2 points for our 1st exam na binigay ng prof namin sa Ecolab. Oh well, that's life! Masaya narin ako since napasa at qualified pa akong maexempt for finals sa subject na yun, as of now. xD So ano na ba pinagkaabalahan ko ngayon? SAME OLD SAME OLD ang sagot ko diyan! Acads pa rin ang nagbibigay kulay sa mundo ko. Third year na ako ngayon, at mas feel ko na ang pagiging BS Biology Major ko. More on papers kami lately -- scientific reports, oral reports, atbp. :D Ang saya-saya. Minsan. :))

Syempre, di magpapatalo ang laki ng eye-bags ko sa dami ng gawain ko bilang estudyante. Mapapa-"grabe only!" ka talaga sa dami! Buti nalang may twitter na pwede kong paglabasan ng stress. :D Di lang 'yan, meron din akong mga pinapanood na Asian Dramas para madivert ang atensyon ko paminsan-minsan. Just to keep me sane! Heartstrings (Kdrama) at Sunao ni Narenakute (Jdorama) ang recent na nasa dramalist ko! Okay silang dalawa. Yung former, typical romance-comedy. Fave ko ang chemistry nila Shin Hye at Yong Hwa kaya approve sa akin ang Kdrama na 'yan! Yung latter naman, kasisimula ko palang panoorin yan. Friendship made through Twitter naman ang concept nila. :D

7:30 PM. Pauwi na ako ng bahay nang umulan ng malakas! at napansin ko lang, di ko masyado mahal ang kulay pink at violet. xD Purple bag, key strap, umbrella. Pati suot ko purple. Tapos yung interior lining ng bag ko ay pink. Pink din most ng cases na makikita sa bag ko -- pencil case, kikay kit, wallet, at dalawang de-zipper na lalagyan (1-pang LRT/MRT cards at 2- lalagyan ng earphones atbp. na pkailangan ma-isolate sa iba kong gamit). AKO NA. Oo, ako na talaga. :))

Bago pala ako umuwi, nanood pa kami ng Babae sa Septic Tank starring Eugene Domingo. Sa cinemas na namin siya napanood, so madaming cut scenes. Sayang, 170 php bayad namin, pero parang di worth it dahil di naman buo yung napanood namin. Naubusan kasi kami ng tickets sa CCP at UPD for Cinemalaya Movies a couple of weeks ago.  :)

So ayun, 7:30 AM at 7:30 PM, naisip ko lang siya pagkadating ko ng bahay. Ano kaya meron kung bakit ang "significant" ng 7:30 sa araw na'to? Baka nung past life ko, importante din ang mga oras na yan. HAHA (Okay, ang gulo ko na. Sabaw)

END.

0 comments:

Post a Comment